Rizal Rizal-Bataan encounter sa MPBL.

Rizal sumakay sa all-around game ni Villoria

Robert Andaya May 25, 2024
90 Views

NAGPAKITA si Kraniel Viloria ng panibagong outstanding all-around performance upang pangunahan ang 87-82 panalo ng Rizal laban sa Bataan Risers sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna.

Si Villoria ay nagpasiklab para sa Golden Coolers sa kanyang 21 points, nine rebounds, eight assists at five steals sa 34 minutes at tatlong segundo ng dikdikang laro.

Hindi lamang si Villoria ang inasahan ng Rizal.

Matindi din ang nilaro nina Keith Agovida, na may 16 points, five rebounds, two assists at two steals; Charles dela Cruz, na may 15 points at five rebounds; Marco Balagtas, na may 12 points, seven rebounds, three assists at 2 steals; at homegrown John Apacible, na may 11 points at three rebounds.

Ang Bataan Risers, na bumaba sa 3-6 win-loss record, at nakakuha ng tig 14 points mula kina Mitchelle Maynes at Dante Paguio, 13 points at eight rebounds mula Rhaffy Octobre, at 12 points, five rebounds at six assists mula kay Robbi Darang.

Nagkaroon ng 11 lead changes at seven deadlocks ang naturang laro..

The scores:

Rizal (87) – Villoria 21, Agovida 16, Dela Cruz 15, Balagtas 12, Apacible 11, Alday 7, Pingoy 3, Casino 2, Argente 0, Bernardo 0, Alonzo 0, Jimenez 0, Timajo 0, Davis 0, Lao 0.
Bataan (85) – Paguio 14, Maynes 14, Octobre 13, Darang 12, Santos 7, Formento 6, Ramos 6, Ramirez 6, C.Bringas 3, Acuno 2, Vera 2, Soriano 0, Sazon 0, Grimaldo 0, Gabawan 0.
Quarterscores: 20-22, 40-40, 60-57, 87-85.