Davao Davao-Pangasinan game sa MPBL.

7th win sinakmal ng Tigers

Robert Andaya May 25, 2024
97 Views

HINDI nagpa-pigil ang 2021 MPBL Lakan Season champion Davao Occidental Tigers sa matinding hamon ng Pangasinan Heatwaves upang maitakas ang 64-62 na panalo sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna.

Nagtulong sina Art Dela Cruz at Jun Manzo para sa Tigers, na lumamang ng 61-53 bago tuluyang nanalo sa kabila ng tangkang paghabol ng Heatwaves sa hulIng mga minuto ng sagupaan.

Nanguna si De la Cruz sa Tigers sa kanyang 17 points, 11 rebounds, five assists at  three steals, habang si  Manzo at may 11 points,  five rebounds at six assists para sa kanilang  7-2 record.

Ang charity split ni Manzo din ang nagbigay ng panalo sa Tigers matapos dumikit ang Heatwaves, 61-62, sa tulong ng nine-point cluster ni Ralph Robin.

Ang Pangasinan ay sumandal kina Robin (17 points),  Ed Daquioag (16 points) at Michael Mabulac (12 points).

Ang Heatwaves ay nalugmok sa  2-7 record, kapareho ng Muntinlupa at Saranggani.

The scores:

Davao (64) — Dela Cruz 17, Manzo 11, Lojera 6, Andrada 6, Simon 5, Gamalinda 4, Arana 4, Tumalip 3, Ighalo 3, Enguio 3, Martinez 2, Mancao 0, Sarangay 0, Bayla 0.
Pangasinan (62) – Robin 17, Daquiaog 16, Mabulac 12, Bautista 6, Gabo 4, Taganas 3, Melencio 2, Gabriel 2,  Tolentino 0,  Caasi 0,  Javillonar 0, Meneses 0, Villamor 0, Dyke 0, Tan 0.
Quarterscores: 19-12, 32-28, 47-45, 64-62.