Woman

Gretchen Ho isang tunay na ‘Woman In Action’

Eugene Asis Sep 28, 2022
209 Views

MULA sa pagiging isang college star athlete hanggang sa maging isang respetadong news anchor at sports host, nakilala si Gretchen Ho sa mga larangang malapit sa kanyang puso.

Ngayong Oktubre, dadayo si Gretchen sa pamamagitan ng kanyang bagong infotainment show na Woman In Action, sa iba’t-ibang lugar hindi lamang para tuklasin ang magagandang tanawin kundi para ibahagi ang mga naiibang kwento ng bawat komunidad at magbigay inspirasyon sa mga tao para umaksyon at tumulong sa sitwasyon ng mga tao doon simula Oktubre 1.

“I’ve found that traveling is best done by going off the beaten path. As a runner, I’ve made it a point to run in each destination I go to, and the streets always reveal something that tourist destinations won’t. It’s in connecting with the people that we really understand and learn about a place. What you will find in this show is not just a sense of adventure, but also a desire to create sustainable impact everywhere we go. That impact isn’t a one-way street though, as we, together with the audiences, seek to be moved and changed by what we see, hear and know,” pahayag ni Gretchen.

Tunay ngang isang Woman in Action si Gretchen, mula pa sa kanyang college volleyball days hanggang sa kanyang kasalukuyang hosting career. Ang tagumpay ng kanyang kampanyang #DonateABikeSaveAJob ay nakatulong sa isang libong pamilya dahil sa mahigit 1,500 na bisikletang naipamigay sa mga frontliners at manggagawa noong kasagsagan ng pandemya. Isang inspirasyon si Gretchen sa mga kababaihan na manatiling tapat sa kanilang tungkulin, pagtibayin ang lakas ng loob, at pagtagumpayan ang kanilang mga pangarap.

‘Changing the world: one story, one action at a time,’ hinihikayat ng Woman In Action na maging socially responsible travelers ang mga Pilipino at umaksyon para makatulong sa mga komunidad.

Samahan si Gretchen Ho sa kanyang paglalakbay sa Woman In Action, simula Oktubre 1, 7:30 pm sa One News via Cignal, available on CH. 8 SD at CH. 250 HD. Mapapanood din ang Woman in Action sa SatLite Channel 60 at sa Cignal Play app. Mapapanood din ito kinabukasan sa One PH, Channel 1, 8:00 pm.