Veloso

GSIS naglaan ng P1B pautang sa mga miyembrong apektado ng pag-aalburuto ng Mayon

Neil Louis Tayo Jun 22, 2023
124 Views

NAGLAAN ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P1 bilyon para sa pagbibigay ng emergency loan sa mga miyembro nito na apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Ayon sa GSIS tatanggap ito ng aplikasyon mula sa mga nais na mag-emergency loan hanggang sa Hunyo 18.

“After Sanggunian Panlalawigan of Albay declared the entire province as a calamity area, we immediately opened the loan and set aside a P1 billion budget to assist 39,0000 GSIS members and pensioners in Albay who need our assistance,” ani GSIS President at General Manager Wick Veloso.

Ayon kay Veloso ang mga miyembro na mayroon pang balanse sa kanilang naunang emergency loan ay maaaring umutang ng hanggang P40,000 upang mabayaran ang dating utang at may matira pang P20,000.

Ang mga hindi naman nag-emergency loan dati ay makakautang ng hanggang P20,000.

Ang utang ay papatungan ng 6 porsyentong interes at babayaran sa loob ng tatlong taon.

Ang mga maaaring umutang ay ang mga aktibong miyembro ng GSIS na nakatira o nagtatrabaho sa calamity area, walang nakabinbing kasong administratibo o kriminal, at ang net take-home pay ay hindi bababa sa P5,000.