Calendar

Guard huling nakaibabaw sa PWD na tulog, timbog
NATIKLO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang 32-anyos na security guard na nahuling nakaibabaw sa 21-anyos na babaeng may kapansanan sa panulukan ng Rizal Avenue at Herrera St., Sta. Cruz, Manila noong Miyerkules.
Nakilala ang suspek na si alyas Omar habang ang biktimang si alyas Kim, isang person with disability (PWD), isinailalim sa medical examination. Malalaman sa examination kung sasampahan ng kasong rape ang sekyu.
Bandang ala-1:30 ng madaling araw ng maaktuhan ang suspek sa naturang lugar.
Base sa salaysay ng testigo na kapwa security guard ng suspek, nakita niya ang suspek na papalapit sa biktima na noo’y natutulog.
Sinamantala ng suspek ang pagkakataon na bahagyang tanggalin ang pang-ibabang kasuotan ng biktima at pumwesto sa ibabaw nito.
Lumapit ang saksi upang pigilan ang sekyu sa ginagawa nito kaya tumakas ang suspek.
Ipinagbigay alam ng saksi ang insidente sa Brgy. 353 at inireport sa Alvarez police community precinct bago itinawag sa Women’s and Children Protection Desk office kaya naaresto ang suspek.