Martin

Gun ban ipinatupad sa Maguindanao, Lanao del Sur, Cotabato

250 Views

NAGPATUPAD ang Philippine National Police (PNP) ng gun ban sa Maguindanao, Lanao del Sur at Cotabato kasunod ng pananambang sa convoy ni Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr.

Kasabay nito ay isang special task force ang binuo ng PNP para imbestigahan ang pamamaril sa convoy ni Adiong kung saan apat ang nasawi. Si Adiong at isa pang staff ay sugatan sa pamamaril.

Nauna ng kinondena si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pananambang kay Adiong na Vice President for Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng Lakas-CMD. Si Romualdez ang pangulo ng Lakas-CMD.

Kinondena rin ni Vice President Sara Duterte ang insidente. Si Duterte ay chairperson ng Lakas-CMD.