Calendar
Source: Facebook post
Guro binaril ng selosong mister sa loob ng paaralan

ISANG guro ang sugatan matapos barilin ng kanyang mister sa loob ng Tanauan School of Craftsmanship and Home Industries sa Barangay Canramos, Tanauan, Leyte, bandang alas-7:45 ng umaga nitong Oktubre 16, 2025.
Ayon sa imbestigasyon, tinamaan ng bala sa kanang balikat ang biktima matapos barilin ng suspek gamit ang cal. 38 revolver. Agad siyang isinugod sa ospital para malapatan ng lunas.
Batay sa ulat ng Tanauan Municipal Police Station, selos at ang umano’y paniniwala ng suspek na may relasyon ng guro sa ibang lalaki ang tinitingnang motibo sa pamamaril. Matapos ang insidente, itinapon ng suspek ang baril at nagtangkang saktan ang sarili gamit ang isang balisong, ngunit agad itong nasakote ng mga rumespondeng pulis.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at sasampahan ng kaukulang parusa. Ng JournalNews spotters

