Ibay Nagbigay ng pahayag si P/BGen. Arnold Thomas Ibay, director ng Negros Island Region police, kaugnay sa isinagawang buy bust operation na nagresulta sa pagkakahuli sa ilang tulak.JONJON C. REYES

P400K na shabu nasamsam sa suspek na tulak

Jon-jon Reyes Oct 16, 2025
390 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng Bacolod City police ang lalaking suspek sa pagtutulak ng droga sa buy-bust sa Purok San Roque 1, Brgy. Handumanan, Bacolod City at nakuhahan ng P408,000 na halaga ng shabu.

Nakilala ang naarestong suspek na si alyas Philip, 33, na nahuli bandang alas-10:40 ng gabi sa pangunguna ni P/Lt. Col. Antonio Benitez Jr. at P/Lt. Richard Legarda.

Nakarekober ang mga pulis ng tinatayang 60 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P408,000.

Samantala, bandang alas-1:26 ng madaling araw nasabat ang mahigit 60 gramo ng shabu sa ikalawang operasyon sa Purok Magtiayon, Barangay 10, Bacolod City pero nakatakas ang suspek na si alyas Mekik, 32.

Ayon kay P/BGen. Arnold Thomas Ibay, hepe ng Negros Island Police, patuloy ang operasyon nila laban sa ilegal na droga.