BBM3 Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. at DSWD Secretary Rex Gatchalian ang seremonyas sa Walang Gutom Awards, June 26, 2024, ssa 10 LGUs na nagtaguyod ng anti-hunger at food security initiatives. Kuha ni YUMMIE DINGDING / PPA POOL

Gustong pamana ni PBBM: Walang gutom na Pilipino

Chona Yu Jun 26, 2024
77 Views

BBMBBM1BBM2WALANG gutom.

Ito ang nais na maging legasiya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. oras na matapos ang kanyang termino sa 2028.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa Walang Gutom Awards sa Palasyo ng Malakanyang, inalala ni Pangulong Marcos ang isang media interview.

“And it was a question I was not prepared for. It was a question that I actually had not thought about. But the answer came to me in an instant.Wala nang gutom. Wala nang gutom na Pilipino.

That is my dream. No hungry Filipino,” dagdag ng Pangulo,” ani ng Pangulo.

Base sa talaan ng Department of Social Welfare (DSWD), sinabi ni Pangulong Marcos na nasa tatlong milyong  pamilya ang nakararanas ng involuntary hunger.

Ginawaran ni Pangulong Marcos ang 10 natatanging local government units na nagtaguyod ng anti-hunger at food security initiatives.

Tig-P2 milyon ang natanggap na premyo ng mga nanalo. Ito ay ang:

Barangay Level:

-Barangay Commonwealth, Quezon City

-Barangay Naggasican, Santiago City

Municipal Level:

-Asuncion, Davao Del Norte

-Palompon, Leyte

-Bacnotan, La Union

City Level:

-Kidapawan City, Cotabato

-Bago City, Negros Occidental

-Cadiz City, Negros Occidental

-Mati City, Davao Oriental

Provincial Level:

-Biliran Province

Tig P1 milyon naman ang natanggap ng pitong LGUs finalists.