Hagedorn

Hagedorn bill na nagsusulong ng environmental protection sa WPS umiigting

Mar Rodriguez Jan 23, 2023
159 Views

INIHAYAG ng isang kongresista na umiigting ang suporta ng mga kapwa niya mambabatas at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa panukalang batas na inihain nito na nagsusulong ng “environmental protection” sa kontrobersiyal na West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Palawan 3rd Dist. Cong. Edward S. Hagedorn na habang tumitindi ang tensiyon sa WPS ay lalo din umiigting ang suporta ng mga kapwa niya kongresista kabilang na ang mga mahahalang ahensiya ng gobyerno sa House Bill No. 6373 na isinulong nito sa Kongreso.

Layunin ng HB No. 6373 na mai-deklara ang lahat ng low-tide at high-tide elevations kabilang na ang 3 nautical miles sa paligid ng Kalayaan Island Group at Scarborough Shoal bilang isang Marine Protected Area.

Isinulong ni Hagedorn ang nasabing panukalang batas sa gitna ng namumuong tensiyon sa sa West Philippine Sea. Kung saan, hinarang ng mga Chinese Coast guard ang fishing vessel ng mga Pilipino.

Dahil dito, nabatid kay Hagedorn na nagkaroon siya ng pakikipag-pulong sa Department of Environment and Natural Resources-Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) at department of National Defence (DND) kaugnay sa proteksiyon ng Kalayaan Island Group.

“I thanked the DENR, DILG, DND and all the other experts who have engaged me in discussion and have shown genuine interest in protecting our environment. The discussions made during the meetings are positive and we have found that our views are aligned,” paliwanag ni Hagedorn.