Calendar
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete ang mga suspek na naaresto sa buy bust ng mga operatiba sa Baseco at Delpan sa Binondo, Manila.JONJON C. REYES
Halos P1M shabu narekover sa 3 suspek na tulak sa Port Area
ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang tatlong suspek sa kalakaran ng ilegal na droga sa buy bust sa Baseco compound, Port Area, Manila noong Biyernes.
Nakilala ang unang naaresto si alyas Taba, 32.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng MPD Baseco police station 13, bandang alas-7:00 ng gabi ng mahuli ang suspek sa pamumuno ni PLt. Mark Jason Ramos ng Station Drug Enforcement Unit sa Block 5, Habitat Baseco compound, Brgy. 649, Port Area, Manila.
Nasamsam sa suspek ang 52 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P353,600.
Swak naman sa MPD Binondo police station 11 ang isang suspek na tulak kasama ang isang bebot na nahuli sa Delpan St., District III, Binondo, Maynila.
Sa ulat ni Meisic police station 11 commander P/Lt. Col. Inocencio Richard Villanueva, nahuil sina alyas Bugot, 26; at Rhea 18 sa buy bust.
Nasabat sa mga suspek ang tatlong pakete ng shabu na tinatayang may timbang na 60 gramo at nagkakahalaga ng P408,000.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga nahuli.

