Gonzales

Hamon ng kongresista sa Senado: Tuparin deadline sa pagpasas ng RBH6

179 Views

BAGAMAT mayroong pagdududa sa kakayahan ng liderato ng Senado, hinamon ni House Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. na tuparin ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kanyang self-imposed deadline na ipapasa ang panukalang magsusulong ng economic amendments sa Konstituston.

“Ang worry ko lang na baka si Bro, si Sen. Migz, hindi niya makukuha ‘yung ¾ votes. Baka wala silang 18 botong makukuha dito sa RBH (Resolution of Both Houses No. 6). ‘Yun lang ang worry ko, ‘yun lang ang iniisip ko,” ani Gonzales sa isang press conference.

Hinamon rin House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe si Zubiri na magtrabaho para aprubahan ang RBH No. 6 na siyang papatay sa inaayawan ng mga senador na people’s initiative (PI)

“Pass your version of RBH 6, where there are no political provisions, only economic provisions, and we will be one with the Senate. We will no longer ask for any debates. No questions asked,” sabi ni Dalipe sa isang press briefing.

“If they want, we can even do blood compact just like that Speaker Ferdinand Martin Romualdez said,” dagdag pa ni Dalipe.

Sinabi ni Gonzales na ngayong inihinto na ng Comelec ang pagtanggap ng mga pirma para sa PI ay dapat aprubahan na ng Senado ang RBH 6 na naglalayong amyendahan ang economic provisions ng Konstitusyon.

Para naman kay Rep. Geraldine Roman ng Bataan panahon na para gawin ng Senado ang mga sinasabi nito.

“Let’s walk the talk. Let’s focus our efforts on discussing the RBH-6. Let’s not waste time. Let’s start the ball rolling. Let’s make it happen,” ani Roman.

Nagtataka rin umano si Roman kung bakit nagbago ang isip ng mga dating kongresista sa usapin ng pag-amyenda sa Konstitusyon ng maging senador ang mga ito.