trabaho

Handog ng Pangulo sa Oriental Mindoro: Oportunidad sa trabaho

Helen D. Prado Sep 14, 2025
427 Views

Lungsod ng Calapan – Matagumpay na isinagawa ang Job Fair nitong Sabado, ika-13 ng Setyembre 2025, sa Mangyan Hall ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro .

Layunin ng aktibidad na magbigay ng mas maraming oportunidad sa mga kababayan na mas mabilis makahanap ng trabaho.

Pinangunahan ito ng Department of Labor and Employment katuwang ang Provincial Public Employment Service Office.

Anim na mga kumpanya at employer ang nag-alok ng mga trabaho mula sa iba’t ibang industriya tulad ng FCN Ormin Distribution, J&T Express, PKI Manufacturing & Technology (PKIMT), Jollibee at iba pa.