Hataman1

Hataman naghain ng panawagan ng pagwawakas ng kaguluhan sa Israel

Mar Rodriguez Oct 23, 2023
122 Views

NAKATAKDANG maghain ng resolution si House Deputy Minority Leader at Basilan Lone Dist. Cong. Mujiv Hataman upang ipanawagan ang pagwawakas ng karahasan laban sa mga inosenteng sibilyan, kababaihan, bata at matatanda sa kasalukuyang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Nananawagan din si Hataman sa kaniyang mga kapwa kongresista na makiisa sa kaniyang panawagan para mawakasan ang kasalukuyang kaguluhan na nakaka-apekto hindi lamang sa mga mamamayan ng Israel bagkos maging ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nasabign bansa.

“I call on my colleagues in the House of Representatives to join calls for an end to the violence. I believe this august body can encourage governments including our own to take s strong position against innocent civilians caught in the crossfires of the conflict,” ayon kay Hataman.

Sinabi pa ni Hataman na saksi ang buong mundo sa mga epekto ng karahasan sa pagitan ng Israel at Hamas conflict partikular na sa mga mamamayan at mga inosenteng sibilyan na naiipit sa nasabing digmaan. Kasabay ng kaniyang panawagan para sa isang ganap na kapayapaan.

Dahil dito, binigyang diin pa ni Hataman na malaki ang maitutulong ng kaniyang resolution upang maisulong ang agarang access sa international humanitarian agencies lalo na sa Gaza para maihatid ang mga relief goods at medical assistance para sa mga sibilyan na apektado ng kaguluhan.

Iginitt ng Basilan congressman na sa pamamagitan din ng kaniyang resolution ay magkakaroon ng pagkakaisa ang international community sa pagtataguyod ng permanente at mapayapang resolution sa pagitan ng Israeli at Palestenian hanggang sa tuluyang matamo ang kapayapaan.