Herbosa

Herbosa muling itinalaga ni PBBM bilang DOH secretary

131 Views

MULING itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Teodoro Herbosa bilang kalhim ng Department of Health (DOH).

Kinailangan na muling i-appoint ng Pangulo si Herbosa matapos itong ma-bypass ng Commission on Appointment (CA).

Inanunsyo rin ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagtatalaga kina dating Armed Forces chief (retired) Gen. Andres Centino bilang Presidential Assistant for Maritime Concerns, na may ranggong Secretary; Lorna Francisca Catris Cheng, Ma Consejo Gengos-Ignalaga, at Raymond Joseph Javier bilang Associate Justices ng Court of Appeals.

Itinalaga naman si Henry Angeles bilang Associate Justice ng Court of Tax Appeals; at si Juliet Manalo-San Gaspar bilang Associate Justice ng Sandiganbayan.