Heart

Hermes bags pinamasko ni Heart sa staff

Vinia Vivar Nov 16, 2024
10 Views

Maagang nagbigay ng Christmas gifts si Heart Evangelista sa kanyang team at talaga namang napa-“sana-all” ang lahat sa kanyang napaka-bonggang regalo.

Binigyan ni Heart ng tig-isang (hold your breath)… Hermes bag ang kanyang team known as #TeamHeart na sina Sparkle assistant manager Ira Lesaca, stylist Iza Sim, hairstylist Ghil Sayo, make-up artist Memay Francisco at long-time personal assistant Resty Rosell.

Ibinahagi ni Iza sa Instagram ang larawan ng apat na Hermes bags — a black Togo Kelly Retourne, a chocolate Togo Birkin, a bicolor swift Kelly Ghillies and a soleil Clemence Birkin.

Si Heart nga raw mismo ang pumili ng mga nasabing Hermes bag para sa kanyang apat na pinakamamamahal na staff.

Caption ni Iza, “Best gift of the season, straight from the HEART. We’re blessed to be loved by you @iamhearte #TeamHeart. Surprise unboxing scene soon on ‘Heart World’.”

Sa comment section ay sumagot naman si Heart ng, “Not enough. love you all.”

Sabi naman ni Memay, “We love you, dear! This is such a dream for each and everyone of us! Grabe to!!!!”

Komento naman ni Ghil Sayo, “This is too much… LOVE YOU DEAR.”

Sey naman ni Ira, “WE LOVE YOU!! Always grateful for you.”

Kung sinusubaybayan n’yo ang social media accounts ni Heart, you’ll know na ang kanyang #TeamHeart ang laging kasama ng aktres sa fashion shoots, public appearances at international events tulad ng fashion week sa Milan, Paris at New York.

Paolo Contis kinumpirmang walang dyowa

Kinumpirma na ni Paolo Contis na single siya ngayon.

Ibig sabihin, kumpirmado na ring hiwalay na sila ng GF na si Yen Santos.

Sa guesting ni Paolo at ni Kokoy de Santos sa “Fast Talk with Boy Abunda ” ay tinanong ng host na si Boy Abunda ang dalawa kung “single” o “taken” sila.

“Single” ang sagot ni Paolo.

Hindi na nag-follow-up pa si Kuya Boy at hindi na rin nag-elaborate pa si Paolo.

Ilang buwan na rin ang nakararaan mula nang mapabalitang hiwalay na sina Paolo at Yen. Pero up to now, wala pa silang pahayag tungkol dito.

Tuwing tatanungin si Paolo about it, laging ‘no comment’ ang sagot niya at ayaw na niyang magsalita pa.