Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Rabiya

Rabiya Mateo nagpasalamat sa b-day blessing na nagkaroon ng sariling bahay

577 Views

EXCITED na sinilip ni Kapuso star at dating Miss Universe beauty queen Rabiya Mateo ang kanyang bahay, kasama ang kanyang ina sa isang exclusive subdivision sa Laguna noong Huwebes.

Birthday ni Rabiya ng araw na yun nang silipin nila ang kanyang brand new home kasama ang kanyang ina na lumuwas pa mula sa Iloilo City.

“Super excited kami ni Mama nang i-tour ko siya sa house kasi malaki siya at tahimik yung surrounding”, anang beauty queen.

Aminado ang kapuso talent na hulog-hulugan ang kinuhang bahay na mala-mansion naman ang laki.

Ayaw naman sabihin ni Rabiya kung magkano ang halaga ng kanyang brand new home.

Pero ayon sa mga nakatira sa naturang subdibisyon, aabot daw sa P20 milyon ang halaga ng bahay ng beauty queen turned actress.

“Thankful talaga ako kay God sa blessing na ito at na-approved ng bank ang home loan ko,” dagdag pa ni Ms. Mateo.