Rep. Momo

“Hindi ko ginagamit ang puwesto ko para sa aking pansariling interes” -Rep. Momo

Mar Rodriguez Dec 12, 2025
199 Views

π—•π—œπ—‘π—œπ—šπ—¬π—”π—‘π—š π——π—œπ—œπ—‘ ng Chairman ng House Committee on Public Works na si Surigao del Norte 1st District Representative Romeo S. Momo, Sr. na walang “conflict of interest” sa kaniyang pagiging kongresista at hindi umano nito ginagamit ang kaniyang katungkulan para sa kaniyang pansariling interes.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Momo kasunod ng mga naglutangang paratang laban sa kaniya na ginagamit lamang umano nito ang kaniyang puwesto para isulong ang mga pansariling interes nito kung saan ito ay mariing pinabulaanan ng mambabatas.

Sinabi ni Momo na isinuko o na-divest na nito ang kaniyang karapatan at katungkulan sa “Surigao La Suerte Corp”, iginigiit ng kongresista na matagal na umano siyang walang kaugnayan sa naturang kompanya.

“I had already in fact divested from the Surigao La Suerte Corp. a long time ago, I’m no longer part of this company,” ayon kay Momo.

Pagbibigay diin pa ni Momo na ang lahat ng mga naglabasang paratang laban sa kaniya ay posibleng pakana ng kaniyang mga kalaban sa politika o isang malinaw na “political vendetta” at ang pagpapalutang sa issue ng “conflict of interest” ay isang desperadong pagtatangka na iugnay umano siya sa korapsiyon.

Nilinaw pa ng Surigao de Sur solon na sasagutin nito sa tamang forum ang lahat ng akusasyong ipinupukol laban sa kaniya.

“I strongly urge the public, lalo na ang mga kababayan ko sa unang distrito ng Surigao del Sur that these baseless complaints are all political motivated. Pakana lang ito ng mga kalaban ko sa politika, the so-called conflict of interest is nothing more than a desperate attempt to link me to a supposed corruption scandal,” sabi pa ng mambabatas.

Sabi pa nito na: “This is clearly a political vendetta to tarnish my name and I will not let it pass unchallenged. Sasagutin ko po ito, sasagutin ko ito ng aming pamilya sa tamang forum at tamang panahon”.

To God be the Glory