Carpio Ex-Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio

HINDI NA KAILANGAN TANUNGIN

302 Views

Mga lumagda sa impeach complaint

NAGPAYO dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa Korte Suprema kaugnay sa pagtatanong sa mga mambabatas lalo na’t sa ilalim ng Saligang Batas ay mayroong tinatawag na co-equal brach of government .

Ayon kay Carpio hindi na kailangan tanungin ng Korte Suprema ang bawat mambabatas na lumagda sa resolusyon na nag-impeach kay Vice President Sara Duterte kung nabasa ba ng ito at alam ang nilalaman ng resosusyon bago pumirma ang mga ito.

“The moment they signed you give full faith and credit already that they read it. I mean you cannot ask each of every congressman who signed the resolution or signed the bill did you read it when you signed it. I mean when you signed means you read it. You have it give full faith and credit to that. We don’t ask the member of the Supreme Court when they signed a decision, did you read the decision, no we don’t ask those question anymore. I mean out of respect to our co-equal branch you dont ask those questions anymore,” giit ni Carpio.

Pagtutukoy ni Carpio sa kanilang paglagda sa resolusyon ay nagpapakita sila ng kumpiyansa, tiwala at paniniwala sa kanilang nilagdaang resolusyon.

Inihalimbawa rin ni Carpio na tulad ng mga desisyong ginagawa ng mga mahistrado at mga justices ng Korte Suprema at maging mga hukom ay kailanman ay hindi kinukuwestyun kung ito ba ay nabasa ang nilalaman ng desisyun at kautusan bago ito nilagdaan.

Aminado naman si Carpio na maari namang manghimasok ang Korte Suprema kung mayroong usapin ng constitutional issue.

Tinukoy ni Carpio na ang usapin lamang sa impeachment complaint ni Duterte ay kung nasunod ba ng mababang kapulungan ng kongreso ang nakapaloob sa batas na 10 session days bago tuluyang i-refer ang impeachment complaint sa Senado.

Tinukoy pa ni Carpio na nangibabaw ang Article 4 ng impeachment complaint dahil natabunan nito ang tatlo pang naunang impeachment complaint dahil sa 1/3 na lagda ng mga miyembro ng mambabatas na maliwanag na nakapaloob din sa Saligang Batas.

Ipinunto rin ni Carpio na katulad ng kaso ni Francisco vs Davide na kung saan sa kabila ng may lagdang 1/3 ng mga mambabatas ang reklamo ni Francisco laban kay Davide ay nabasura pa rin ito dahil sa lumampas sa 10 session days na nakapaloob sa Saligang Batas.

Dahil dito, sinabi ni Carpio na tanging ang gagawin lamang ng mababang kapulungan na tulad ng kanilang sagot sa impeachment court ay kanilang ilalatag lamang ang petsa ng pagtanggap ng unang reklamo at kailan ito nailagay sa order of business na kailangan din sa ilalim ng batas at kung ito ba talaga ay hindi nalabag ang 10 days sessionday rules.

Kaugnay pa nito, hindi pa rin maaring pag-usapan ang jurisdiction ng impeachment complaint hangga’t walang nagaganap na paglilitis.