Holdap

Holdaper biniktima call center agent, timbog

Edd Reyes Mar 30, 2025
23 Views

TIKLO ang lalaki na pinaghihinalaang nang-holdap sa call center agent gamit ang baril-barilan sa Valenzuela City noong Biyernes.

Sinampahan ng kasong robbery-holdup, paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) at BP 881 (Omnibus Election Code) si alyas Andy, 29, matapos maaresto ng mga 0tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban sa Natividad St., Brgy. Mapulang Lupa.

Hinarang ng suspek ang biktima dakong alas-5:00 ng umaga habang pauwi sa kanto ng Sto. Rosario at Benito Sts. sa Brgy. Mapulang Lupa.

Tinutukan ng suspek ng baril ang biktima at puwersahang kinuha ang cellular phone na nagkakahalaga ng P10,000 at tumakas na patungong Natividad St.

Nadakip ng mga tauhan ng Ugong Police Sub-Station-8 ang suspek nang magsumbong ang biktima hinggil sa panghoholdap sa kanya.

Nabawi nina P/SSg Al Sanchez at P/Cpl Jhin Kenneth Sison sa suspek ang kinulimbat na cellphone at ang laruang kalibre .45 pistol na ginamit sa panghoholdap.