ivan

Hongkong Exit Polls: Landslide pabor kay BBM (96.87%)

Ivan Samson Apr 11, 2022
277 Views

TUMATAGINTING na 96.87% o 3,124/ 3,225 na botante ang nakuhang boto ni Presidential Aspirant Bongbong “BBM” Marcos ayon sa mga naglalabasan at kumakalat na exit polls na naganap sa Day 1 ng halalan sa Hongkong. Napakalaking bagay ito upang mapanatili ang mataas na moral ng kampo nila BBM para sa Halalan 2022.

Ayon sa batas, mas maaga ang eleksyon at pagboto ng ating mga mamamayan sa ibang bansa na nagsimula kahapon, April 10, 2022. Binibigyang pagkakataon ang ating mga mamayan sa ibang bansa na bumoto para sa Pagka-pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador at Party-List Representatives bilang paggalang sa kanila karapatang bumoto at makilahok eleksyon. Malaki ang ambag ng ating mga mamamayang nagsasakripisyo sa ibang bansa hindi lamang sa kanila mga pamilya kung hindi pati na rin sa pagtulong sa ekonimiya ng ating bansa.

Ayon sa 2019 resulta ng survey na isinagawa ng Philippines Statistics Authority (PSA) sa mga Overseas Filipinos, ang bilang ng mga bayaning ito ay umaabot ng 2.2 milyon kung saan 96.8% nito ay may mga umiiral na kontrata.

Napakalaking bagay ang 2.2 milyong bilang na ito para sa mga kandidato. Ito ay maaring magdikta ng kakalabasan ng eleksyon sa ating Pagka-Pangulo. Kaya dapat lamang na bigyan pansin ng ating pamahalaan ang mga bayaning OFWs dahil sa laki ng itinutulong nito sa ating bayan. Ang mga bagong bayani ng ating lipunan.

Kung magtutuloy-tuloy ang mga numerong ito pabor kay BBM, napakalaki ng tyansa na hindi na siya mahabol ng kanyang mga katunggali sa eleksyon sa pagkapangulo.