Hontiveros

Hontiveros pinuri si PRRD sa pagpirma sa RA11862

183 Views

PINAPURIHAN ni Sen. Risa Hontiveros si Pangulong Duterte matapos pirmahan ng papalabas na Pangulo ng bansa ang Republic Act No. 11862, kung saan ay inamendyahan ng Kongreso ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Ayon kay Hontiveros, ito ay tagumpay para sa mga kababaehan, bata, at lahat ng mga inosenteng biktima ng human trafficking.

Kamakailang lamang ay pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang batas na nagbibigay ng awtorisasyon sa gobyerno ng karagdagan lakas para sa mga gumagamit ng internet at digital platforms upang maisulong ang human trafficking na gawain laban sa mga inosenteng tao.

Ang nasabing batas sa ilalim ng probisyon Rep. Act 11862, ay nagbibigay karapatan sa mga awtoridad na gumamit ng mas makabagong taktika upang mabigyan ng tamang pagbabantay ang mga gumagawa ng karumal dumal na human trafficking sa ating bansa.

“As the law’s sponsor in the Senate, I am thankful that RA 11862 will now provide a major boost to government efforts towards stopping human trafficking, prosecuting human traffickers, and helping trafficked persons recover and live better lives,” Hontiveros said.

Bilang may akda sa parte ng Senado, sinabi ni Hontiveros na ang social media at mga internet providers ay hindi na pwede magbulag bulagan sa nasabing aktibidades lalot ito ay malinaw ng nakasaad ngayon sa inamyedahan na batas.

“I dedicate this triumph to the women and minors who bravely shared with the public their ordeal as human trafficking survivors during the Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality hearings on the “pastillas” scam and the human trafficking rings in the Middle East. Their courage and sense of justice made this new law possible.” giit ng senadora.

Nakapaloob din dito ang pagamit ng pekeng, tampered,na mga printing na materyales tulad ng passport at birth certificate na kasama sa mga dapat parusahan na gawain upang mapanagot ang mga nasa likod ng Human Trafficking gamit ang makabagong internet.

“Our vow to all of you remains: We will not stop until we have put an end to the scourge of human trafficking in the Philippines. This new law is only the beginning. We will continue to expand efforts to protect women, children and other marginalized populations. Darating din ang araw na wala nang Pilipino na magiging biktima ng human trafficking.” babala ni Hontiveros.

Ang RA 11862 ay konsolidasyon ng dalawang bersyon ng Kongreso, ang Senate Bill no. 2499 at ang House Bill 10658 kung saan ay panabay na pinasa eto sa dalawang kapulungan nuong nakaraang February 2, 2022.