De Leon PHILRACOM Chairman Reli De Leon.

Horseracing sisipa ngayong 2022

Ed Andaya Feb 12, 2022
876 Views

KareraBUO ang tiwala ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) na tuluyang makababawi ang horseracing industry sa mga susunod na buwan sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19.

At kasabay ng muling pagsigla ng horseracing, inaasahan ni Philracom chairman Reli De Leon na patuloy silang makakapag-ambag sa kaban ng bayan.

“Last year, we contributed a total of P680 million to the government. This year, we expect to hold more big races, so we expect to reach P900 million to P1 billon for the government,” pahayag ni De Leon sa 4th “Sports On Air Weekly” program kamakailan.

“Overall, the horseracing industry earned a total of P2.3 billion, or more than double the P1.1 billion we earned at the height of the pandemic in 2020, dagdag pa ni De Leon, na unang nahirang na PHILRACOM commissioner nun 2019 bago naging chairman nun 2020

Para ngayong 2022, umaasa si De Leon ng total sales na aabot higit sa P4.5 billion.

Kabilang sa mga itatampok na karera ngayong taon ang kauna-unahang Triple Cup stakes races na lalahukan ng mga premyadong four-year-old at above horses, at ang pagbabalik ng Araw Ng Maynila races, na higit na kilala sa tawag na Gran Copa De Manila, na bahagi ng pagdiriwang ng founding anniversary ng lungsod sa Hunyo 24.

Ipinagmalaki din ni De Leon ang dalawa pang malalaking proyekto na itataguyod nila ngayong taon: ang kauna-unahang Racing Hall of Fame at Horseracing Expo.

Pararangalan sa nasabing Racing Hall of Fame ang sampung natatanging hinete at race officials sa nakalipas na 155 taon.

“Sabi ko nga,155 years na yung karera sa Pilipinas, the oldest in Asia, but this is the first time that we will be having our Hall of Fame awardees,” paliwanag pa ni De Leon.

Tinukoy ni De Leon ang premyadong race jockey na si Ildefonso Alba at ang namayapang sports patron na si Eduardo “Danding” Cojuangco bilang ilan sa mga nangungunang nominees para sa nasabing Hall of Fame.

Si Alba ay isang pre-war Filipino race jockey na minsan nang naitala sa Guinness Book of World Records, habang si Cojuangco ay nagsilbing founding chairman ng PHILRACOM mula 1975-1978.

Gayundin, ang unang Philippine Horseracing and Breeding Expo ay nakatakdang ganapin sa SM Mega Trade Hall sa buwan ng Nobyember or Disyrmbre.

Samantala, inanunsyo din ni De Leon ang mga kaabang-abang na karera ngayong taon:

–The Presidential Gold Cup na may PHP10-million prizes sa Disyembre

–Cojuangco Cup na may PHP5-million prizes sa Nobyembre.

— Triple Crown na may PHP3.5-million prizes bawat leg sa Mayo, Hunyo at Hulyo

— Triple Cup races na may PHP2.5-million prizes sa Pebrero, Marso and Mayo

— Triple Cup for juvenile na may PHP1.8-million prizes

— Hopeful races for 3-year- old horses na may PHP1.5 million prizes

— Silver Cup na may PHP4-million prizes

— Grand Derby na may PHP3-million prizes

— Lakambini na may PHP2-million prizes

— Sampaguita na may PHP2-million prizes. By Ed Andaya