Valeriano

House Committee on Metro Manila Development puspusan ang gagawing pagdinig bago ang adjournment ng Kamara

Mar Rodriguez Mar 20, 2024
89 Views

BAGAMA’T March 20 ang huling session ng Kamara de Representantes bago ang adjournment nito, puspusan naman ang isasagawang pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development para talakayin ang mga nakasalang na panukalang batas.

Ito ang nabatid ng People’s Taliba sa chairman ng Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na kayod-kalabaw ang gagawin ng kaniyang Komite sa huling araw ng session para talakayin ang pitong panukalang batas.

Ayon kay Valeriano, kabilang sa panukalang batas na naka-line up sa kanilang agenda ay ang House Bill No. 4363 na inihain ni Paranaque City 2nd Dist. Cong. Gus S. Tambunting na naglalayong mabigyan ng “emergency powers” si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.

Ipinaliwanag ni Valeriano na ang pagkakaloob ng emergency powers kay Pangulong Marcos, Jr. ay para matugunan nito bilang Punong Ehekutibo ang tinatawag na “transportation crisis sa Metro Manila” kasama na dito ang napipintong “jeepney phaseout” at problema ng trapiko.

Idinagdag pa ni Valeriano na tatalakayin din nila ang House Resolution No. 1224 na isinulong nina 1-RIDER Party List Cong. Bonifacio L. Bosita at Rodrigo “Rodge” L. Gutierrez kaugnay sa ipinatutupad na “dress code violation” para sa mga motorcycle passengers sa ilalim ng Manila Traffic Code of 2023.

Sinabi pa ng Metro Manila solon na inaasahan na magiging maigting ang diskusyon ng kaniyang Komite sapagkat kasama sa mga tatalakayin nila ay ang kontrobersiyal na direktiba ng MMDA na nagbabawal sa mga motorcycle riders na sumilong sa ilalim ng mga tulay at underpass kapag bumubuhos ang ulan.

“We will discuss about the privilege speech of Congressman Bosita delivered in plenary last August 1, 2023 regarding MMDA Memorandum on imposing fines to riders stopping on overpasses, train stations and footbridges,” sabi ni Valeriano