Paalala

House Committee on Metro Manila Development suportado rekomendasyon ng LTFRB vs bastos na driver, konduktor

Mar Rodriguez Jun 28, 2024
102 Views

𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗠𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗿𝗲𝗸𝗼𝗺𝗲𝗻𝗱𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗵𝗶𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗕𝗼𝗮𝗿𝗱 (𝗟𝗧𝗙𝗥𝗕) 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝘀𝘁𝗼𝘀 𝗮𝘁 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗷𝗲𝗲𝗽𝗻𝗲𝘆 𝗱𝗿𝗶𝘃𝗲𝗿 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗻𝗱𝘂𝗸𝘁𝗼𝗿 𝗻𝗶𝘁𝗼.

Ayon kay Valeriano, sinasang-ayunan at kinakatigan nito ang inilabas na rekomendasyon ng LTFRB para suspendihin ang lisensiya ng mga bastos at walang respetong jeepney drivers na ipinapahiya ang pisikal na anyo ng pasahero gaya ng pagiging pilay, ngongo at iba pa o ang tinatawag na “body shame”.

Paliwanag ni Valeriano na walang naaangkop na katuwiran o justification ang ginagawang pamamahiya ng mga driver kasama ang kanilang konduktor sa pisikal na anyo ng kanilang pasahero. aniya, ito ay harap-harapang pambabastos sa kanilang pagkatao na walang puwang sa isang sibilisadong lipunan.

Aniya kinakailangan umanong maturuan ng leksiyon ang mga bastos at walang galang na jeepney driver at konduktor at magsilbi rin babala pa sa iba pang mga drivers na may kahalintulad na asal laban sa kanilang mga pasahero.

“Ito ay dapat na magsilbing warning sa iba pang mga jeepney driver at konduktor na sila ay dapat maging magalang sa kanilang mga pasahero. Hindi porke’t jeepney driver ka lang eh’ puwede mo ng ipahiya ang pisikal na anyo ng pasahero mo. Sa rekomendasyon ng LTFRB. Siguro naman mahihinto na ang ganitong masamang gawain ng mga drivers,” wika ni Valeriano.

Ayon sa LTFRB, bukod sa suspensiyon laban sa mga bastos na driver, magpapataw din ang ahensiya ng multang P15,000 sa driver kasama na dito ang may-ari o operator ng jeepney dahil sa pagtanggap naman nito ng isang bastos na empleyado o driver kasama na ang konduktor. Ito ay bunsod ng hindi kanais-nais na komento nila sa kanilang pasahero na may pisikal na depekto.

Nagbigay babala si Valeriano para sa mga benepisyaryo ng 4Ps, TUPAD, AICS at iba pang programa na mag-ingat sa mga taong lumalapit sa kanila para makihati sa benepisyong matatanggap nila.

Binigyang diin ng mambabatas na ang mga nabanggit na tulong ay ipinagkakaloob ng pamahalaan kaya nararapat lamang na makuha nila ito ng buong-buo.