Valeriano

Panukala ni Tulfo suportado ni Valeriano

Mar Rodriguez Jul 5, 2024
49 Views

Valeriano1𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗠𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝘂𝗸𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗶 𝗦𝗲𝗻. 𝗥𝗮𝗳𝗳𝘆 𝗧𝘂𝗹𝗳𝗼 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗟𝗧𝗢) 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗴𝗽𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗿𝗲𝗾𝘂𝗶𝗿𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗼𝗼𝗯𝗹𝗶𝗴𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗿𝗲-𝗿𝗲𝗻𝗲𝘄 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘃𝗲𝗵𝗶𝗰𝗹𝗲 𝗿𝗲𝗴𝘂𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗽𝘂𝗻𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗟𝗧𝗢 𝗯𝗿𝗮𝗻𝗰𝗵 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗺𝗶𝘁𝗲 𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗴𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝘃𝗮𝗹𝗶𝗱 𝗜𝗗𝘀.

Aminado si Valeriano na masyado ng nagiging talamak ang kaso ng mga sasakyang hindi pa naililipat sa pangalan ng kasakukuyang may-ari o second owner sapagakat ito’y nakapangalan o nakarehistro pa rin sa dating may-ari (first owner).

“Kasalukuyang nahihirapan ang mga awtoridad na tukuyin ang taong gumagamit ng mga sasakyang na sangkot sa isang krimen o aksidente dahil ang nasabing sasakyan ay nakapangalan pa rin sa dating may-ari kahit matagal na itong naibenta sa bagong mag-ari,” ani Valeriano.

Ayon sa kongresista, may mga pagkakataon na maaaring sinasadya na lamang ng bagong may-ari o second owner na nagkataong may tinatawag na “criminal mind” na huwag maipa-rehistro sa kaniyang pangalan ang nabili nitong kotse upang gumawa man ito ng krimen ay yung orihinal na may-ari ang hahabulin ng mga awtoridad.

Kailangang maging policy na ng LTO ang pagre-require o pag-oobliga sa mga may-ari ng sasakyan na personal silang magpunta sa mga sangay ng LTO upang sila na mismo ang magpa-rehistro ng kanilang sasakyan, ani kongresista.

Naniniwala si Valeriano na sa pamamagitan ng ganitong patakaran, mabilis na malalaman kung ang ipinare-rehistrong sasakyan ay nasangkot sa isang krimen o aksidente.

“May mga kaso kasi na ang unang owner ang hinahabol kasi sa kanila pa rin nakapangalan ang sasakyan kahit matagal na itong naibenta. Kaya sang-ayon tayo sa ganitong panukala bilang Chairman ng Committee on Metro Manila Development,” wika ni Valeriano.