Madrona

House Committee on Tourism: PH tourism lifeline ng gobyerno na bumubuhay sa ekonomiya

Mar Rodriguez Dec 5, 2023
192 Views

MULING binigyang diin ng House Committee on Tourism na ang Philippine tourism ang nananatiling “lifeline” ng pamahalaan na bumubuhay sa ating ekonomiya dahil sa malaking ganansiya na nakukuha mula dito.

Sinabi ni Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairperson ng Committee on Tourism, na ang sektor ng turismo ang nananatiling pangalawa sa itinuturing na haligi ng economic growth ng bansa dahil sa malaking ganansiya o kita na ipinapasok nito sa kaban ng pamahalaan.

Ipinaliwanag ni Madrona na kahit noong pa man ay itinuturing na ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang turismo ng bansa bilang isa sa mga “economic divers” ng pamahalaan dahil narin sa malaking oportunidad na potensiyal na maibibigay nito sa ekonomiya.

Pinatotohanan din ni Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco na malaking kontribusyon ang nai-aambag ng Philippine tourism sa ekonomiya ng Pilipinas matapos nitong pahayag na nasa P404 billion ang naibigay nito sa kaban ng pamahalaan dahil sa tourist arrivals ngayong 2023.

Dahil dito, muling binigyang diin pa ni Madrona na malaking “factor” o kadahilanan ang pagbibigay ng priority ng Pangulong Marcos, Jr. sa turismo ng bansa. Kabilang na ang buong suporta nito kaya napaka-laki din ang naging improvement nito partikular na sa larangan ng “economic gains”.

Nauna rito, Pinapurihan ng kongresista ang Pangulong Marcos, Jr. dahil sa pagbibigay nito ng priority sa tourism sector na nag-resulta sa bilyon-pisong ganansiya o kita ng bansa. Matapos itong magpakita ng malasakit o effort sa Philippine tourism na pangalawa sa saligan ng “economic growth.

Ipinabatid ni Madrona na batay din sa datos ng Department of Tourism (DOT), tinatayang nasa P404 billion ang naging kontribusyon ng turismo sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon. Habang umabot naman sa 99% ang inaasam o goal na 4.8 million tourist arrivals ngayong 2023.