Calendar
House Deputy Speaker Duke Frasco kasama sa pinakamahusay na kongresista
NAGKATOTOO ang kasabihan na “kapag may itinanim ay may aanihin” para kay House Deputy Speaker at 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco makaraang ahinin nito ang bunga ng kaniyang pagsisikap matapos pumang-apat ang kongresista sa ranking ng RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD).
Sa isinagawang survey ng RPMD mula June 25 hanggang July 5, 2023, nalagay sa ika-apat na puwesto si Frasco bilang isa sa pinaka-mahusay na kongresista o mayroong mataas na performance rating bilang isang kongresista habang si House Speaker Martin G. Romualdez ang nangunguna na may 95.32%.
Nakakuha si Frasco ng 94.81% performance rating kabilang na ang iba pang mga kapwa nito kongresista. Kung saan, ang pinagbatayan ng nasabing survey ay ang performance ng bawat mambabatas mula ng pumasok ang 19th Congress sa ilalim ng liderato ni Speaker Romualdez.
Dahil dito, sinabi ni Frasco na ang nakuha nitong mataas na performance rating ang magsisilbing inspirasyon nito para ipagpatuloy niya ang mga programa at proyekto para sa kaniyang lalawigan kabilang na dito ang pamamahagi ng mga ayuda para sa mga mahihirap na mamamayan.
Nauna rito, humahataw si Frasco sa paglulunsad ng mga proyekto para sa iba’t-ibang munisipalidad at siyudad na sakop ng kaniyang distrito sa pamamagitan ng mga infrastructure projects na magbibigay ginhawa para sa mga Cebuano.
Magugunitang pinasinayahan ni Frasco ang isa pang infrastructure project nito sa Munisipalidad ng Brbon sa pamamagitan ng dalawang proyekto na magdudulot ng malaking ginhawa hindi lamang para sa mga residente ng nasabing lugar. Bagkos para din sa mga mag-aaral.
Katulad ng naunang proyekto ni Frasco sa pamamagitan ng pagpapatayo ng bagong covered court sa Guinsay Elementary School. Pinangunahan din ng kongresista ang pag-turn over ng isa pang covered court para naman sa mga estudyante ng Bongoyan Elementary School na nagkakahalaga ng P3.5 million.