House Deputy Speaker Duke Frasco nag-donate ng P200,000 sa Xmas party ng PCL Cebu Chapter

Mar Rodriguez Dec 5, 2023
131 Views

Speaker Duke Speaker Duke Speaker Duke Speaker DukeTULOY-TULOY ang paglilingkod ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco matapos mag-donate ang kongresista ng P200,000 sa ginanap na Christmas party ng Philippine Councilors League (PCL) – Cebu Chapter bilang bahagi ng kaniyang serbisyo publiko.

Sinabi ni Frasco na patuloy ang pagbibigay nito ng suporta para sa mga miyembro ng PCL sa pangunguna ng Pangulo nito na si Councilor Nick Pepito kabilang na ang PCL – PRO na si Councilor Chary Canete.

Nauna rito, pinapurihan Frasco ang matagumpay na “Sugbo Mercadong Barato” (SMB) program sa Cebu City na pinangunahan ni Governor Gwendolyn “Gwen” Garcia sa layuning maibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon sa kongresista, kahanga-hanga ang naging tagumpay ng SMB sa pangunguna ni Governor Gwen Garcia sapagkat ang iniisip nito ay ang kapakanan at kagalingan o “welfare” ng mga Cebuano sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang program ana nagpapababa sa presyo ng mga basic commodities.