Frasco

House Deputy Speaker Frasco pinangunahan groundbreaking para sa ipapatayong Cebu Technological University (CTU)

Mar Rodriguez Nov 25, 2023
106 Views

Frasco1Frasco2Frasco3MULING PINATUNAYAN ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang kaniyang pagmamahal sa mga estudyante matapos nitong pangunahan ang “groundbreaking” ceremony para sa ipapatayong Cebu Technological University (CTU) Campus sa Borbon, Cebu.

Sinabi ni Frasco na ang pagpapatayo nito ng CTU Campus sa Borbon, Cebu ay kaniyang inisyatiba sa unang termino nito bilang kinatawan o kongresista ng 5th Dist. matapos pumasa ang Republic Act (RA) No. 11751 o “Act Establsihing a CTU Campus in the Municipality of Liloan and the Municipality of Borbon Cebu” na nilagdaan bilang batas noong April 27, 2022.

Sinabi ni Frasco na sakaling tuluyan ng maitayo ang CTU Campus sa Borbon maraming kabataang estudyante ng nasabing bayan ang mabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral o makakuha ng “quality educations” sapagkat mas malapit na ang nasabing paaralan sa kanilang lugar.

Sa kaniyang talumpati, pinasalamatan ni Mayor Noel Dotillos si Frasco sa suportang ibinibigay nito para sa mga mamamayan at tinitiyak na ang lahat ng kaniyang mga proyekto ay naisasakatuparan at mapapa-kinabangan ng mga Cebuano.

Ipinaliwanag ni Mayor Dotillos na sa wakas ay naisakatuparan din ang matagal na umanong pangarap ng mga mamamayan ng Borbon na magkaroon sila ng sariling unibersidad sa pamamagitan ng CTU dahil na rin sa malasakit at pagmamahal ng House Deputy Speaker para sa mga taga-Borbon.

“The initial budget of P85 million to construct the first of several university buildings was generously allocated through the help of Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara. In behalf of the people of Borbon and the 5th District of Cebu. We thank Senator Sonny for making this project come to fruition,” sabi ni Frasco.