ALyansa SOLID ANG SUPORTA – Ang grand rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ng administrasyon ay dinaluhan ng tinatayang 100,000 katao, base sa estimate ni Tacloban City police director Col. Noelito Getigan. Si Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ang Tingog Party-list ang host ng event na ginanap ng Biyernes. Photo: Alyansa Para sa Bagong Pilipinas

House lider nagpasalamat sa suporta ng Leyteños sa Alyansa

Mar Rodriguez Mar 15, 2025
16 Views

NAGPAABOT ng taus-pusong pasasalamat si House committee on overseas workers affairs chairman Jude A. Acidre ng Tingog Party-list sa mga Taclobanon at Leyteño, sa kanilang pagpapakita ng suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at sa mga senatorial candidate ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

“We thank our kababayan here in Tacloban and Leyte for the huge attendance in the Alyansa grand rally on Friday,” ani Acidre.

“Tulungan natin na magkaroon ng mga katuwang sa Senado si Pangulong Bongbong Marcos para ganap nating matupad ang kanyang hinaing para sa isang Bagong Pilipinas, isang bansa kung saan walang isang Pilipinong maiiwan, kung saan tayong lahat ay nagtutulungan at kung saan abot-kamay natin ang isang mas maliwanag na kinabukasan,” dagdag pa nito.

Sa pagtaya ng Tacloban City Police, umaabot sa 100,000 katao ang dumalo sa nasabing rally.

Pinangunahan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Party-list ang pagtanggap kay Pangulong Marcos Jr. at sa mga kandidato ng administrasyon.

Kumpiyansa si Acidre na ang malaking bilang ng dumalo ay patunay ng malawak na suporta kay Pangulong Marcos Jr. at Speaker Romualdez sa Tacloban, Leyte at buong Eastern Visayas.

“After all, we consider the President as one of our own. His mother, former First Lady Imelda Romualdez Marcos, and the Romualdezes are from Leyte,” saad ng kongresista.

Naniniwala rin si Acidre na ang suportang natatanggap ng Pangulo sa rehiyon ay maisasalin sa boto para sa mga kandidato ng Alyansa.

“We are committed to a large majority of the votes in Leyte to the President’s candidates,” dagdag pa nito.

Batay sa liham ni Tacloban City Police Director Col. Noelito Getigan kay Tingog Party-list President Glenn Haro Capucion, tinatayang nasa 100,000 katao ang dumalo sa grand rally ng Marso 14.

“In this regard, as per assessment of this office, the said grand rally was attended by an estimated number of more or less 100,000 people,” ayon kay Getigan.

Sa kanyang talumpati sa kampanya, binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na ang direksyon ng Alyansa coalition ay patungo sa kaunlaran, kapayapaan at mas magandang buhay para sa bawat Pilipino at kanilang pamilya.