Calendar
House panel nanawagan ng tulong ng gobyerno sa Pampanga
NANANAWAGAN ang Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee”L. Romero, Ph.D., sa national goverment at sa mga concerned agencies na saklolohan o tulungan nila ang lalawigan ng Pampanga na kasalukuyang nasa state of calamity dulot ng nagdaang bagyo at hanging habagat.
Sinabi ni Romero na kailangang kumilos sa lalong madaling panahon ang mga ahensiya ng pamahalaan partikular na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang agad na makapag-padala ng tulong para sa Pampanga lalo na sa bayan ng Macabebe, San Simon, Santo Tomas at San Luis na naapektuhan ng bagyo.
Ayon kay Romero, napakahalaga din aniya na matulungan ng mga concerned agencies ang 22 barangay sa 16 munisipalidad ng Pampanga na kasalukuyang lubog parin sa baha sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga pagkain, damit at iba pang mga pangangailangan ng mgaa residente ng lalawigan.