Sara Vice President Sara Duterte

House senior leaders: Impeach VP Sara wala sa agenda ng Kamara

51 Views

MULING iginiit ng mga lider ng Kamara de Representantes na wala sa agenda ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin ito nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez at House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe kasunod ng pag-init ng usapin tungkol sa posibleng paghahain ng impeachment complaint laban kay Duterte, upang matanggal ito sa puwesto matapos ang ginawang pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“As we have repeatedly pointed out in media interviews, impeachment proceedings against Vice President Sara Duterte are not on our agenda,” sinabi ng tatlong pinuno ng Kamara sa isang joint statement.

Ipinunto nina Gonzales, Suarez at Dalipe na bagama’t seryoso ang Kamara na magkaroon ng transparency at accountability sa gobyerno, nakatuon umano ang mga imbestigasyon ng mga komite nito sa paghukay sa katotohanan.

“Our institution is duty-bound to serve as a check and balance while safeguarding public trust. The Filipino people deserve answers regarding these serious matters, and we aim to fulfill this responsibility without political distractions or divisiveness,” saad pa nila.

“Let us work together to ensure that governance remains focused on what truly matters — delivering results and improving the lives of our people — while fulfilling all constitutional mandates with integrity and impartiality,” dagdag pa ng mga ito.

Sa ilalim ng Konstitusyon, maaaring magsampa ng impeachment complaint ang sinumang Pilipino laban sa sinumang impeachable na opisyal ng gobyerno.

Gayunpaman, ang petisyon ay kailangang iendorso ng isang miyembro ng Kamara para ito ay maaksyunan ng Kapulungan.

Ang mga tuntunin ng Kamara sa impeachment ay nagsasaad ng proseso at mga timeline para sa pagsasaalang-alang at pag-aksyon sa isang impeachment complaint.

“However, we also recognize that the House of Representatives has a constitutional duty to act on impeachment complaints filed by ordinary citizens against impeachable officials,” ayon sa House leaders.

“This is not just the responsibility of the institution, but also the individual duty of each congressman to uphold the Constitution. Should an impeachment complaint be properly filed in accordance with the rules, the House is obligated to deliberate on it fairly and transparently, ensuring that the process adheres to the highest standards of justice,” giit nila.

Ang isang impeachment petition na nilagdaan ng hindi bababa sa one-third ng lahat ng miyembro ng Kamara ay maaari nang iakyat agad sa Senado para sa isasagawang paglilitis.