Cong. Martin G Romualdez

House Speaker Martin Romualdez nangakong ipapasa ng Kamara ang 12 priority measures ni PBBM

Mar Rodriguez Dec 21, 2022
156 Views

IPINANGAKO ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na sisikapin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na maipasa ang nalalabing labindalawang panukalang batas na kabilang sa “priority measures” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sinabi ni Speaker Romualdez na sa pagpapatuloy ng session ng Kamara sa darating na Enero 23, 2023. Pagsusumikapan nila aniyang maipasa ang 12 panukalang batas. Kabilang dito ang “job creation, sustainable health system at economic recovery at growth”.

Kaugnay nito, ikinagalak din ng House Speaker na tinupad ng Kamara de Representantes ang pangako nitong ipapasa ang mga panukalang batas na tinaguriang “pro-people” kabilang na dito ang Maharlika Investment Fund (MIF), ang P5.268 trillion 2023 national budget at 20 pang panukala na priority bills ni Pangulong Marcos, Jr.

Sinabi pa ng Speaker na ang tinutukoy nitong 12 na panukalang batas ay ang priority measures na nasa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) – Common Legislative Agenda (CLA) ni Pangulong Marcos, Jr, at Kongreso.

“You can count on the House to work harder next year to do our part in improving the lives of our people. I truly believe it is the best way to express our gratitude for the greatest gift all public officials have received the opportunity to serve our country,” ayon kay Speaker Romualdez.