Lulong sa ‘bad vice’
Apr 3, 2025
Calendar

Nation
Hulyo 9 idineklarang holiday
Peoples Taliba Editor
Jul 7, 2022
301
Views
Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Hulyo 9 bilang isang regular holiday bilang pagdiriwang sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Ayon sa Proclamation No. 2 ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang pinakaimportanteng pista ng Islam.
Sa selebrasyon ito ay nag-aalay ng tupa, kambing, baka o kamelyo ang mga Muslim bilang paggunita sa kahandaan ni Propeta Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak bilang pagsunod kay Allah.
Ipinaalala naman sa proklamasyon ang pangangailangan na sumunod sa minimum health protocol upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19.
PBBM sinaksihan CDC circular signing
Apr 3, 2025
Sasakyan iparehistro agad — LTO
Apr 2, 2025