bro marianito

Huwag natin sayangin ang talinong ipinagkaloob sa atin ng Panginoong Diyos

211 Views

PINAGLALOOBAN tayo ng talino ng Ating Panginoong Diyos upang gamitin natin ito hindi lamang sa ikabubuti ng Ating mga sarili. Kundi sa ikabubuti din ng Ating buhay pananampalataya.

Ang ginagawa Nating paghahanda o preparasyon ay hindi sa pamamagitan ng pagkakamal ng kayamanan dito sa lupa. Kundi ang kayamanan (Religious life) na babaunin natin papunta sa Diyos.

Itinuturo ngayon ng Mabuting Balita (Mt. 25:1-13) ang tungkol sa Talinghaga sa Sampung Dalaga na kailangan Nating maghanda sa buhay na ito. Sapagkat hindi Natin masasabi kung kailan at anong oras darating ang sandal na kailangan na Nating isauli ang Ating hiram na buhay.

Ipinapaalala ng Ating pagbasa na kailangan Nating maging alerto at matalino gaya ng limang dalaga sa kuwento. Ang pagiging “matalino” ay pamamagitan ng isang pamumuhay na may malalim na pananampalataya sa Diyos at tumatalima sa itinatakda ng Sampung Utos ng Panginoon.

Ang mga mabubuting bagay na Ating gagawin para sa mga taong nangangailangan, naghihirap, nagugutom at inaapi ang mistulang “reserbang langis” na binaon ng limang dalagang matalino sa Ebanghelyo na lalong nagpaningning sa Kanilang buhay pananampalataya kaya naman agad Silang pinapasok sa kasalan.

Ang buhay ng tao para sa limang dalagang matalino ay tulad din ng lamparang hawak Nila. Hindi rin ito magtatagal o hindi “forever”, kaya kailangan Nila itong ayudahan ng reserbang langis para magpatuloy ito sa pagningas.

Upang tanggapin at makapasok Sila sa Kaharian ng Diyos. Ang isang pamumuhay na maka-Diyos ay kahalintulad din ng ekstrang langis na lalong magpapatingkad at magpa-paningning hindi lamang sa Ating buhay pananampalataya kundi magpapatingkad din sa mismong pagkatao Natin.

Sapagkat pumanaw man tayo dito sa ibabaw ng mundo ay nais Natin na ang maalaala sa Atin ay mga mga mabubuting bagay na Ating ginawa para sa kapwa Natin.

Gaya ng limang matalinong dalaga. Hindi Natin dapat sayangin ang Ating buhay sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay, hindi Natin dapat inaaksaya ang mga pagkakataon o opportunity na ibinigay sa Atin ng Panginoong Diyos.

Naging matalino tayo sa mga bagay na magpapasigla sa Ating pananalig sa Panginoon dahil anomang oras ay maaaring bawiin sa Atin ang hiram na buhay na ito.

Kaya mas mainam pa ang gumawa ng mga mabubuting bagay na magiging magandang alaala o legacy Natin sa Ating maiiwan.

Samantalang ang limang babaeng hangal naman ay ang mga taong naging kampante sa buhay dito sa ibabaw ng mundo.

Hindi Sila nagbaon ng reserbang langis o gumawa ng mga mabubuting bagay dahil prenteng prente Sila na ang buhay dito sa mundo ay pang-matagalan.

Ang nakalimutan Nila. Anomang oras ay maaaring dumating ang katapusan tulad ng lalaking ikakasal na dumating sa alanganing oras at hindi nila inaasahan kaya nasurpresa sila at nagulat.

Duon lamang Nila napagtanto na kakapusin na pala nila ng langis.

Gaya Nila, may mga tao ang naging kampante at relax kaya hindi Nila napaghandaan ang Kanilang katapusan. Ang masama pa nga.

Hindi rin Sila nakapagbaon ng reserbang langis o gumawa ng mga mabubuting bagay habang nandito pa Sila sa ibabaw ng mundo.

Kaya gaya ng lamparang malapit ng maubusan ng langis o kikislot kislot. Ang buhay Nila ay hindi magiging matingkad o maningning.

Walang mabuti o magandang bagay ang maaalala sa Kanila. Kaya ang aral na mapupulot Natin sa Ating pagbasa ay gumawa tayo ng mga bagay na magpapaningas sa Ating buhay pananampalataya at sa mismong pakatao Natin.

AMEN