Valenzuela ‘di ipatutupad NCAP
Oct 3, 2026
2 lalaki natagpuang bangkay matapos barilin
Oct 3, 2026
Calendar
Provincial
HVI Dakma sa Bauan, ₱738K Shabu Nasamsam
Jojo Cesar Magsombol
Oct 3, 2026
37
Views
BAUAN, Batangas — Bagsak noong Miyerkules sa kulungan ang isang 54-anyos na obrero matapos itong madakma ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa bayang ito.
Ang suspek na si alyas Totoy, may asawa, at residente ng Barangay 4, Sariaya, Quezon ay naaresto ng Drug Enforcement Team ng Bauan Municipal Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon sa Garcia Street, Barangay Aplaya.
Itinuturing siyang isang High-Value Individual (HVI) sa ilegal na kalakalan ng droga.
Nakuha mula sa kanyang posisyon ang tinatayang nasa 108.67 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na ₱738,956.
Isang operatiba ang nagpanggap na poseur-buyer at matagumpay na nakapagrehistrong transaksyon sa suspek.
Bukod sa droga, nakumpiska rin sa kanya ang tunay na ₱1,000 na ginamit bilang marked money, na inilagay kasama ng mga boodle money.
Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka ng mga ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa harap ng suspek, kasama ang isang kinatawan ng media at opisyal ng barangay at na idokumento ang buong operasyon gamit ang isang Alternative Recording Device (ARD), alinsunod sa RA 9165.
‘Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa kustodiya ng Bauan Municipal Police Station at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11, Artikulo II ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa tanggapan ng piskal.
Pinuri naman ni PCOL Oliver Ebora, Provincial Director ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), ang tagumpay ng operasyon.
INAGURASYON
Oct 3, 2026
Tulong dinala ng Klinika ni Gob s Binan
Oct 2, 2026
PDEA: 11 brgy drug cleared na
Oct 2, 2026
