HVI nahulihan ng P300K na shabu

Gil Aman Oct 22, 2026
49 Views

KUMPISKADO ang mahigit P300,000 ng hinihinalang shabu sa isang High Value Individual (HVI) sa anti-drug operation ng Laguna Police Provincial Office at Provincial Drug Enforcement Unit noong Miyerkules sa Brgy. Concepcion, San Pablo City.

Nabawi mula sa suspek na si alyas Rggie ang 52 gramo ng shabu dakong alas-2:12 ng hapon.

Isinagawa ang drug operation kasabay sa isang miyembro ng police na umaktong poseur buyer gamit ang P1,000 kasabay sa pagbawi ng 52 gramo ng shabu na may halagang P356,600.

Mahaharap si alyas Regie sa kasong paglabag sa RA 9165.

Iniharap na ng pulisya ang suspek para sa inquest proceeding sa Prosecutor’s Office.