Fireworks

Ilocos cops naharang bulto ng ilegal na paputok

Alfred Dalizon Dec 15, 2025
253 Views

SINAMSAM ng mga agents ng Regional Civil Security Unit 1 sa Ilocos-Pangasinan ang malaking bulto ng paputok at mga sangkap sa paggawa nito.

Nasamsam ang mga paputok dahil sa utos ni Major General Ross Alvarado sa lahat ng RCSU units na palakasin ang laban sa ilegal na paputok.

Nasamsam ang mga ito sa pangunguna ni Colonel Cherry M. Fajardo sa Brgy. Pug-os, Cabugao, Ilocos Sur at naaresto din ang dalawang suspek sa pagbebenta nito.

Kasama sa nasamsam ang 248 na piraso ng Dart Bombs na maya halagang P9,000 na ibinenta ng mga naarestong suspek na sina alyas John, 33; at Russell, 26.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 7183 o ang An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices.

Noong nakaraang buwan, nabuking ang isang shanty sa Sitio Boquig sa Brgy. Bacayao Norte, Dagupan City na gawaan pala ng illegal firecrackers at fireworks.

Found inside the shanty were assorted chemicals and materials used for manufacturing firecrackers.

Iniutos ni Police Regional Office (PRO) 1 director Brigadier Gen. Dindo Reyes sa lahat ng police units sa Region 1 na suportahan ang RCSU1 sa kampanya nito laban sa ilegal na firecrackers at pyrotechnics.