Calendar
Ang isinagawang pagsisiyasat ng mga operatiba ng DECU-MPD matapos ang pagsabog sa storage area ng isang bahay sa Tondo, Manila. JONJON C. REYES
Imbakan wasak matapos susunuging ‘pla-pla’ sumabog
NABULABOG ang ilang residente sa Barangay 37 sa Tondo, Manila matapos makarinig ng malakas na pagsabog mula sa storage area ng isang bahay sa 235 Tuazon Street, Tondo, Sabado ng hapon.
Ayon sa ulat na natanggap ng pulisya, bandang 3:56 ng hapon nang mangyari ang pagsabog.
Sa ginawang imbestigasyon na base sa salaysay ni Kelvin Ambut, may-ari ng tirahan na pinangyarihan ng pagsabog, nasa ikalawang palapag siya ng kanilang tirahan nang may sumabog sa ground floor.
Agad siyang bumaba at nakita nyang wasak na ang storage area.
Ang nasabing storage area ay naglalaman umano ng mga itinatapon na paputok na “plapla” at iba’t ibang nasusunog na basura na nilayon para itapon.
Ang mga materyales ay hindi sinasadyang nag-apoy, na nagresulta sa pagsabog.
Mabilis na rumesponde ang mga elemento ng District Explosive and Canine Unit (DECU), Manila Police District (MPD), sa pangunguna ni PCMS Romulus Ramilo, Team Leader, kasama ang limang tauhan, at nagsagawa ng technical processing at post-blast investigation sa apektadong lugar.
Matapos ang ilang oras na pagsisiyasat ay Iniulat ng team na walang naitalang casualty.
