QCPD hinuli 2 suspek sa rape, sex assault

145 Views

NAARESTO ang dalawang suspek sa sangkaterbang krimen ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni P/BGen. Randy Glenn Silvio noong Pebrero 27.

Dakong alas-3:20 ng madaling araw ng arestuhin ng District Special Operations Unit (DSOU) sa pamumuno ni PMaj. Freddie Zorilla si alyas Rolly, 43, sa Brgy. Santor, Bongabon, Nueva Ecija para sa mga kasong acts of lasciviousness, dalawang bilang ng sexual assault at apat na bilang ng lascivious conduct.

Nadakip din si alyas Romeo, 64, na may kinahaharap na kasong qualified rape, limang bilang ng lascivious conduct, tatlong bilang ng acts of lasciviousness at tatlong bilang ng sexual assault.

Nasa kustodiya ng QCPD ang dalawang suspek para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Ayon kay PBGen. Silvio, babala ang pagkakahuli sa dalawa sa mga nagtatago sa batas.