Hataman

Imbestigasyon ng PNP sa ambush kay Adiong hiniling

Mar Rodriguez Feb 20, 2023
222 Views

NANANAWAGAN ngayon ang isang Muslim congressman sa liderato ng Philippine National Police (PNP) para magsagawa ito ng isang masusing imbestigasyon kaugnay sa nangyaring ambush kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong, Jr. na ikinasawi ng kaniyang apat na bodyguard.

Sinabi ni House Deputy Minority Leader at Basilan Lone Dist. Cong. Mujiv Hataman na ang nangyaring pananambang o ambush kay Adiong, Jr. ay isang lantarang paglapasatangan sa batas ng mga taong nasa likod nito.

Binigyang diin ni Hataman na ipinapakita lamang ng naturang insidente na walang kinatatakutang batas at walang takot sa awtoridad ang mga salarin. Kaya’t nararapat lang aniya na tugisin sila ng mga Kapulisan para papanagutin sa nangyaring krimen na ikinasawi ng apat na katao.

Nagpahayag din ng pagkabalaha si Hataman kaugnay sa sunod-sunod na insidente ng karahasan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nangyari sa unang dalawang buwan pa lamang ng taong 2023. Kabilang na dito ang magkasunod na ambush at pagpatay sa isang Marine Sergeant at isang opisyal ng PNP na naganap sa Lao del Sur.

Bukod dito, nabatid pa sa mambabatas na nagkaroon din ng hostage taking sa 39 miyembro ng Philippine Army na nangyari din sa lanao del Sur. Kung saan, ito ay ilan lamang sa mga karajasang nangyayari sa BARMM

KARAHASAN SA BANSA NAGTATABOY SA MGA DAYUHANG NEGOSYANTE

Ayon naman kay Palawan 3rd Dist. Cong. Edward S. Hagedorn, kailangang kumilos agad ang mga kagawad ng PNP para mahuli sa lalong madaling panahon ang mga salarin sa likod ng pananambang kay Adiong. Jr. para papanagutin ang mga ito sa pagkamatay ng mga biktima.

Sinabi ni Hagedorn na ang nangyaring ambush kay Adiong, Jr. ay isang malaking hamon sa liderato ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para maisaayos nito ang peace and order ng bansa sa gitna ng napaulat na sunod-sunod na kaguluhan sa BARMM.

Binigyang diin ni Hagedorn na ang pagsiklab ng karahasan sa bansa ang nagtataboy sa mga foreign investors para magtayo ng negosyo o maglagak ng puhunan sa Pilipinas. Sapagkat sayang lamang ang mga pagsisikap ng administrasyong Marcos, Jr. na makahikayat ng mga foreign businessmen kung mag-aalangan din silang maglagay ng negosyo sa bansa sa harap ng mga kaguluhan.

Ipinaliwanag ni Hagedorn na mahalagang malinis muna ng PNP ang mga insidente ng kaguluhan sa bansa na mistulang paglilinis ng sariling bakuran upang ma-engganyo ang mga dayuhang mamumuhunan na magtayo ng negosyo sa Pilipinas. Sapagkat hindi aniya sila mahihikayat na mamumuhunan sa Pilipinas kung lantaran sunod-sunod na kara