Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Delima Naghain sa Kamara de Representantes ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na inendorso ni Akbayan Party-list Rep. Percival “Percy” Cendaña. Si dating Sen. Leila de Lima ay tumatayo bilang spokesperson ng iba’t ibang advocacy groups na nagsulong ng impeachment complaint.

Impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte pormal nang inihain sa Kamara de Representantes

Mar Rodriguez Dec 2, 2024
85 Views

SaraPORMAL nang inihain sa Kamara de Representantes ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte patungkol sa mga kaso at kontrobersiyang kinasasangkutan niya na nagsimula sa hindi nito maipaliwanag na paggamit nito sa P125 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

Isinumite sa tanggapan ni House Secretary General Reginald Velasco ang impeachment complaint laban kay Duterte na inendorso ni Akbayan Party-list Rep. Percival “Percy” Cendaña, habang si dating Senador Leila de Lima naman ay tumatayo bilang supporter at spokesperson ng iba’t ibang advocacy groups na nagsulong ng naturang impeachment complaint.

Kabilang sa mga advocacy groups na naghain ng impeachment complaint laban kay Duterte ay sina dating Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Teresita “Ging” Delez, Ninoy Aquino Foundation Pres. Francis “Kiko” Aquino Dy, Teodoro “Teddy” Lopez, Fr. Flaviano “Flavy” Villanueva, SVD, dating Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, Leah Navarro at ang tiyuhin ni Kian Delos Santos, isa sa mga biktima ng “Oplan Tokhang,” na si Randy Delos Santos.

Ayon kay De Lima, ang inihaing impeachment ay nag-ugat sa diumano’y ginawang pang-aabuso ni Duterte sa kapangyarihan, kabilang na ang hindi niya maipaliwanag na P125 milyong confidential fund na ibinigay sa OVP noong 2022.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa maipaliwanag ni Duterte ng maayos kung saan at papaano nito ginugol ang nasabing milyong-pisong pondo.

Binigyang-diin sa reklamo ang kahalagahan ng pagtitiwala ng publiko sa kapangyarihang ipinagkaloob sa Pangalawang Pangulo.

Ayon kay De Lima, ang puwesto ni Duterte ay hindi isang trono at pribilehiyo na iginawad sa kaniya ng mamamayang Pilipino na nagluklok sa kaniya.

Ito ay posisyong nakuha ni Duterte dahil sa tiwala ng mga Pilipino sa kaniya, habang walang pakundangan umano ang ginagawa nitong paglapastangan sa kaniyang posisyon dahil sa pang-aabuso nito sa kaniyang kapangyarihan, ani De Lima.

“Public office is not a throne of privilege. It is a position of trust. Sara Duterte has desecrated that trust with her blatant abuse of power. This impeachment is not just a legal battle but a moral crusade to restore dignity and decency to public service,” pahayag ni De Lima.