Impeachment

Impeachment Delay iginiit na talakayin nang hayagan sa Senado

334 Views

NANAWAGAN si Senador Panfilo “Ping” Lacson na talakayin sa plenaryong sesyon ng Senado ang mungkahing pagkaantala ng pagbubukas ng impeachment court para sa kaso ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte.

Ipinunto niya na mahalagang maging bukas ang usapin upang maliwanagan ang publiko sa dahilan ng paglipat ng petsa sa Agosto 4.

Sa isang opisyal na pahayag na may petsang Hulyo 18, iginiit ni Lacson:“We may have to discuss the proposition in plenary, and find out the justification for the delayed convening of the impeachment court to Aug. 4, then vote on it.”

Bagama’t aminado si Lacson na ang pinal na desisyon ay dapat manggaling sa boto ng lahat ng 24 na senador, binigyang-diin niyang dapat bigyang-daan ang bawat miyembro na mailahad ang kanilang saloobin sa plenaryo kung nanaisin nila.

“Whatever the majority of the 24 senators will decide, we should follow, but not without manifesting or explaining our votes, if some of us would choose to.”

Bilang isa sa mga senator-judge, iginiit ni Lacson ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok sa anumang diskusyon kaugnay ng mahahalagang isyu sa impeachment process.

“As a senator-judge, I want to hear or participate in the discussion of any major issue involved in the impeachment process before making a decision because it is a constitutional duty.”

Ang pahayag ay inilabas sa gitna ng plano na ipagpaliban ang pagbubukas ng impeachment court, ngunit wala pang inilalabas na opisyal na dahilan para sa nasabing hakbang.