Ribbon-Cutting Nag-inaugurate ang bagong city hall ng Tagaytay City na dinaluhan nina Cavite Governor Athena Tolentino, Tagaytay City Mayor Bambol Tolentino at Congresswoman Aniela Tolentino.

Important infras binuksan sa 87th anniv ng Tagaytay

Dennis Abrina Jun 21, 2025
17 Views

TAGAYTAY CITY–Binuksan sa pagdiriwang ng 87th anniversary ng siyudad na ito noong Sabado ang mga mahalagang infrastructure para sa mamamayan.

Sa patuloy na pagtataguyod ng Character City, binuksan ang New Tagaytay City Hall Building, Tagaytay City Velodrome, Tagaytay City Integrated School, Bagong City Health Office, Halfway Houses at Lodging Facilities para sa mga athletes, Lakbay-Aral, Peace and Order & Gender-Inclusive Public Safety Centers, Character Hotel and Admin Building, Maitim Elementary School-Sigtuna Extension at Bagong Barangay Francisco Hall.

Ayon kay outgoing Mayor Bambol Tolentino, lahat ng ito ay handog sa mamamayan ng Tagaytay at buong Pilipinas.

“Ito ang ating pamana–serbisyong may puso, serbisyong Tagaytay. Alagang Tolentino. Mabuhay ang Tagaytay. Mabuhay ang bawat Pilipino,” sabi ni Tolentino.

Dumalo sa pagdiriwang sina Cavite Governor Athena Tolentino, Cavite 8th District Congresswoman Aniela Tolentino, Mayor-elect Brent Tolentino at Vice Mayor Agnes Tolentino at mga city councilors.