DLSU Sinabi ni PLt.Col.Norman Patnaan na nagsagawa ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) EOD/K9 Unit sa pamumuno nina PSSg Ma. Thelma Elgera at Pcpl Christoper Diamzo ng masusing inspeksiyon sa pasilidad ng DLSU ukol sa umano’y bomb threat na ipinadala sa email.

In-email na ‘bomb threat’ sa DLSU sa Taft iniimbestigahan ng MPD

Jon-jon Reyes Oct 27, 2026
28 Views

DLSU1DLSU2NAGTUNGO sa himpilan ng Malate Police Station 9 ang mga security officer ng De La Salle University (DLSU) sa Taft Avenue, Malate, Manila upang ireport ang hinihinalang bomb threat na natanggap ng nasabing unibersidad sa e-mail nitong Lunes ng tanghali.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Norman Patnaan, hepe ng Malate Police Station 9, bandang 11:10 a.m. nang matangap ang nasabing pagbabanta.

Inatasan ni PLtCol. Patnaan si PMSg Jose Asaytuno Jr., duty investigator, na magsagawa ng paunang imbestigasyon at suriin ang kredibilidad ng banta.

Batay sa paunang imbestigasyon, si Philip Rentillo, Associate Dean ng DLSU Brother Andrew College of Education (BAGCED), ang nakatanggap umano ng email na may lamang banta. Agad niyang ipinaalam ang insidente sa mga tauhan ng seguridad ng DLSU.

Ipinadala ang police mobile unit (MC 177) na binubuo nina PEMS Alarkon, PSSG Noe, Patrolman Domingo, at Patrolman Pelonio sa DLSU bilang dagdag seguridad sa mga mag-aaral.

Bandang 1 p.m., inanunsyo ni Kai Shan Fernandez, Senior Vice President (SVP) ng DLSU, na hinihiling sa lahat ng mga estudyante, guro, at kawani na lisanin ang kampus.

Nagsagawa ng briefing sina Aguirre, Direktor ng Security Office, at Mr. Papa, Direktor ng Safety ng DLSU, kasama ang mga tauhan ng PS-9 at DECU MPD na sina PSSg Ma. Thelma Elgera at Pcpl Christoper Diamzon, bago isagawa ang “paneling” o masusing pag-inspeksyon sa paligid ng DLSU.

Ayon sa ulat, ang umano’y banta ng bomba ay nagmula sa email address na traknisky@photo.com.

Bukod dito, nakipag-ugnayan si PLtCol. Patnaan sa MPD Anti-Cyber Crime Team upang humingi ng teknikal na tulong kaugnay ng natanggap na email.

Bandang 2:05 ng hapon, sinimulan ng mga tauhan mula sa Manila Police District (MPD) EOD/K9 unit sa pamumuno nina PSSg Ma. Thelma Elgera at Pcpl Christoper Diamzon ang masusing pagtatasa sa banta ng bomba at pag-inspeksyon sa mga pasilidad ng DLSU.

Ang operasyon para sa paghahanap ng bomba at pagtatasa sa banta ay kasalukuyan pang isinasagawa habang inihahanda ang ulat na ito.

Pinuri at pinasalamatan Ni MPD Chief PBGen. Arnold Santiago ang kanyang mga tauhan mula sa Malate Police, MPD/EOD at ang pamunuan ng DLSU sa maagap na aksyon kaugnay ng insidente.