Calendar
Ina ni Bea tahimik sa mga kaganapan sa anak
NANANATILING tahimik ang ina ni Bea Alonzo na si Mary Anne Ranollo, sa nangyaring hiwalayan ng aktres at ng dati niyang fiancé na si Dominic Roque.
Sinabi ni Bea na hindi ito nangangahulugan na hindi apektado ang kaniyang ina sa nangyari sa kaniyang love life.
“She was very much affected, especially dahil marami ngang nasasabi tungkol sa ‘kin na hindi totoo. I think ‘yun ‘yung pinakamalaking weight sa kaniya,” ayon kay Bea.
Ayon kay Bea, nasa isip ng kanyang ina na hindi nararapat na sa kaniya ipinupukol ang mga naglalabasang espekulasyon sa nangyaring dahilan ng hiwalayan nila ni Dominic.
Pero pinili pa rin ni Mary Anne na manahimik gaya ng nangyari sa mga dating breakups ng anak.
Ayon kay Bea, nasasaktan siya kapag nadadamay na ang kanyang pamilya sa mga maling alegasyon.
“Ang masakit lang sa ‘kin siyempre nadadamay sila. ‘Yun ‘yung medyo may sting din, kasi ako sanay ako eh. Matagal ko nang ginagawa ‘to pero kapag ‘yung pamilya na ‘yung nadadamay tapos gumagawa sila ng mga theories tapos ginagawang villain ‘yung nanay ko, masakit,” saad ng aktres.
Plano sana nina Bea at Dominic na magpakasal ngayong taon matapos silang maging engaged noong July 2023.
Umugong ang hiwalayan ng dalawa sa pagsisimula ng 2024.
Napapanood ngayon si Bea sa Kapuso murder-mystery series “Widows’ War,” kasama si Carla Abellana.
Benjamin may mensahe sa magiging anak
NABANGGIT ni Benjamin Alves na gusto na niyang maging isang ama at maranasan ang kasabikan na may inuuwian na pamilya gaya ng mga kuwento ng ibang Kapuso actors na padre de pamilya na.
“When you ask me what’s my next role, that would be the perfect role I would want, is to become a father,” sey ni Benjamin.
Gumanap nang tatay si Benjamin sa ilang proyekto pero ayon sa aktor, iba pa rin ang sa tunay na buhay.
Nakita rin ni Benjamin ang pagiging ama sa iba pa niyang co-actor, gaya ni Mike Tan, at gusto niya itong maranasan.
“From people, co-actors that I’ve worked with, iba eh. You come on set and there’s a deeper meaning and there’s a deeper reason why you’re on set. And ‘yung excitement, sila Mike Tan specifically, ‘yung excitement nilang umuwi para makita ‘yung pamilya nila, I want that. I want that for me and my wife.”
Mensahe ni Benjamin sa kanyang magiging anak: “Son or daughter, I hope you’re proud of me. I hope that… I hope I am raising you correctly, and I hope I’m ready. You are my reason why I’m still here, you’re my reason why I’m happy. And you’re the reason why I work and I get to do what I love because I love you.”
Moonstar88 magtatanghal nang libre para kay Carlos
NAG-ALOK ang OPM band na Moonstar88 na handa sila magtanghal nang libre kapag ikinasal ang Olympic champ na si Carlos Yulo.
Idinaan ng Moonstar88 sa social media post ang kanilang alok kay Yulo na nakakuha ng dalawang medalyang ginto sa Paris Olympics.
“Sagot na namin ang tugtugan sa kasal mo, Caloy! Free wedding performance for Carlos Yulo!,” saad ng banda sa kanilang post sa Facebook.
“2 Golds!!! Dahil di ka nahihilo, nalilito sa routine mo,” ayon pa sa caption ng banda patungkol sa bahagi ng kanilang hit song na “Migraine.”
Kasalukuyang nobya ngayon ni Carlos si Chloe San Jose.
Kabilang pa sa mga awitin ng Moonstar88 ang “Torete,” “Sulat,” “Panalangin,” at iba pa.
Tanya mukhang maldita pero mahiyain sa totoong buhay
AMINADO ang Sparkle star na si Tanya Ramos na halos lahat ng naging roles niya sa mga teleserye ay mean girls. Mula sa Luv Is: Caught in His Arms, hanggang sa In My Dreams, merong pagkakontrabida ang ginagampanan ng young actress.
Sinabi ni Tanya na maaaring dahil ito sa kaniyang look na mukhang maldita.
“Honestly, I received a lot of comments saying na I look maldita. I mean, from my friends kasi, before building a friendship, or sometimes when we’re making kuwento, they’re gonna be like, ‘Alam mo, I never expected you to be like this kasi from afar or when I’m looking at you, you’re so maldita. I feel it’s because of my eyebrows, I have thick, short, eyebrows and honestly, I can’t deny that I look maldita in public especially when I’m alone,” ayon kay Tanya na anak ng ‘90s hunk na si Wendell Ramos.
Paliwanag ng aktres, naturally introvert siya kaya naman madalang siyang ngumiti kapag lumalabas ng bahay. Ngunit nang magsimula siya sa entertainment industry ay malaki na ang kaniyang pinagbago.
“I learned how to look more, I don’t know if it’s the right word, but I learned how to look at people and smile. Even though I’m at the mall, passing by other people, and then accidentally making eye contact, I just smile. I got used to it,” pagpapatuloy ni Tanya.
Kahit na introvert at hindi sanay makihalobilo sa ibang tao, isang bagay na nagtulak noon kay Tanya para pumasok sa entertainment industry, bukod sa pagkakaroon ng pamilya na galing sa showbiz, ay dahil wala siyang ginagawa noong magsimula ang pandemic.
“I was just at home, studying, and we weren’t even sure when the schools are gonna resume. So I wanted to give it a shot, I guess. I auditioned behind my dad’s back, he doesn’t know that I did,” sabi ng aktres.
Sabi pa ng aktres ay paraan din niya ito para makalabas sa kaniyang comfort zone lalo na at meron siyang social anxiety at challenge umano sa kanya ang bumuo ng conversation sa ibang tao.
“Though aside from that, I really love to dance, I really love to sing, and I have also thought of acting and I just can’t stay in one room every day doing that just in front of the mirror. So sabi ko, baka there’s something more that I can do to share with people the talent that I have,” pagpapatuloy ni Tanya.