Ipagpaliban muna badge rule sa online sellers
Oct 24, 2026
Calendar
Showbiz
Netizens duda kay Marco
Vinia Vivar
Aug 16, 2024
722
Views
SINAGOT na ni Marco Gumabao ang tanong nga mga netizen kung break na ba sila ni Cristine Reyes.
Marami kasi sa mga netizen ang nag-assume na wala na sila ni Cristine. Wala kasi ang aktres sa birthday celebration ng aktor at inisip ng fans na baka hiwalay na ang magdyowa.
Mas lalo pang umingay ang usap-usapan nang i-deactivate ni Cristine ang kanyang IG account.
Sa Instagram Story ni Marco ay makikita na magkasama sila ni Cristine sa kanyang birthday celebration.
“Cheers to 30!” sabi ni Marco sa IG story kung saan makiktang nag-cheers sila ng wine glass.
May mga post din ito kasama ang mga kaibigang sina Dominic Roque at Patrick Sugui.

