BBM1

Inventory ng mga nasirang pampublikong paaralan isinasagawa

Neil Louis Tayo Aug 1, 2023
192 Views

NAGSASAGAWA ang gobyerno ng inventory ng mga pampublikong paaralan na nasira sa paghagupit ng bagyong Egay.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mahalagang malaman kung ilang paaralan ang nasira upang matiyak na magiging maayos ang pagbubukas ng klase sa huling bahagi ng Agosto.

“Senator Imee pointed out very correctly that the school year is about to begin at mayroon tayong kukunin, gagawa ng listahan ng mga damaged school buildings na hindi magamit. Tignan natin what we can do in a month kasi we have one month, August 28 ang pasukan,” ani Pangulong Marcos.

“So…these are the general elements that we have, looking at this is what we have been getting from the agencies, the responding agencies to all of these,” dagdag pa nito.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang serye ng isinagawang briefing sa Bangued, Abra; Laoag City sa Ilocos Norte; at Tuguegarao City, Cagayan kaugnay ng pananalasa ng bagyo.