BBM Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay namahagi ng P46 milyong ayuda sa mga biktima ng bagyong Kristine at Leon sa Oriental Mindoro.

Ipinamigay na ayuda ni PBBM sa Oriental Mindoro aabot ng P46M

Chona Yu Nov 14, 2024
15 Views

BBM1BBM2BBM3AABOT sa P46.14 milyong pinansyal na ayuda ang ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng bagyong Leon sa Oriental Mindoro.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos, hanga ang punong ehekitbo sa tibay at pagkakaisa ng mga Filipino sa panahon ng kalamidad.

Pangako ni Pangulong Marcos, patuloy na aalalayan ng pamahalaan ang mga biktima ng bagyo.

Nasa 4,546 benepisyaryo ang binigyan ng tig P10,000 na ayuda ni Pangulong Marcos.

“Sa kabila ng hirap at hamon na dulot ng bagyong Kristine at Leon, muling ipinakita ng ating mga kababayan ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa. Ngunit, batid kong marami pa ang kailangan nating gawin upang makabangon muli sa mga [pagsubok] na ito,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Mula sa Tanggapan ng Pangulo, magbabahagi kami ng tulong pinansyal na nagkakahalagang sampung libong piso sa halos limanlibong benepisyaryo. Ito po ay para matulungan po kayo sa iba pang mga pangangailangan,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Apela ni Pangulong Marcos, magkaisa at magtulungan para makabangon muli mula sa kalamidad.

“Ang inyong lakas sa kabila ng ganitong hirap ay nagbibigay sa amin ng determinasyon upang ipatuloy na kayo’y silbihan nang [buong] puso,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Mga kababayan, ang pamamahagi ng tulong na ito ay tanda ng ating panata sa isa’t isa—na kahit anong mangyari, tayo ay laging magtutulungan. At ang pagbangon mula sa ganitong sakuna ay nakasalalay sa bawat isa sa atin,” dagdag ng Pangulo.